Ay. Shet.

Kuhaan na pala ng card bukas. Wish me luck, guys. Thursday pa naman. Okay, random fact na isa: pag sinuwerte ako ng Thursday, swerteng-swerte. ‘Pag tinamaan ng malas, sobrang daming kamalasan o kaya minsan nag-iisang keme pero malas na malas talaga. Yan, ah. Alam niyo na. Wooooh.

Pero feeling ko, swerte ako bukas e. Sabay daw kami ni Ede pauwi dito sa Taguig. (Yey!) HAHAHA. Ewan ko na lang kung papa’no ako. =))

Random Fact #17

I have a Twitter account. But I don’t use it that much. 5 tweets a week are good for me. HAHAHA. I don’t know. I can’t express much there, with a character limit of 160. So, Tumblr. Yes.

Random Fact #16

Hindi ko alam kung bakit, pero sinisipag akong mag-like ng mga post ng Friends ko sa FB. Sarap sabihan ng, “mag-post pa kayo habang trip kong mag-like ng mga status niyo!” HAHAHAHA! E kasi naman, ang boring na talaga.

Random Fact #15

Galante si Luis sa ‘kin/sa ‘min. Nag-iisa kong best friend na lalaki na kung makapag-regalo… Blah. HAHAHAHA.

  • Lip Balm na Akhfakfjaskljd. Basta. Itago na lang yung brand.
  • JERSEY SHIRT. BAHAHAHAHA.
  • Necklace na elephant yung pendant. FAVORITE KONG BIGAY NIYA. ♡ Elephant e. Ba’t ba. HAHAHAHA. 
E, basta. The best ka Luis! Mahal na mahal kita. Sana maging masaya ka na… kay Jeray. BAHAHAHAHA. Sorry kung masama akong best friend. Okay lang. Mahal mo din naman ako di ba, kahit ganun ako ka-bakla at abnormal? HEHEHE.
Random Fact #14

Wn I txt lyk ths, it nly mns 3 thngs:

  • I’m mad.
  • I don’t like you.
  • I’m lazy.

But the first one is really accurate. The next, not so much.

The reason I love instrumentals is that you can never really get tired of listening to them. There are no lyrics to memorize or sing along with. Just the melody, the tune, the beat. It’s timeless. It’s classic. It’s amazing.

Random Fact #12

Madali akong masanay. Kunwari, may ginawa ako ng paulit-ulit. Sa susunod, sanay na ‘ko. Pero madali din namang ibalik sa dati. Sasanayin ko lang ulit yung sarili ko na wag nang gawin yun, at okay na. Pero, shet. Sana hindi ako masanay na maging malamig na tayo sa isa’t-isa. Nakakagago. Nakakatanga. Nakaka-miss.

Random Fact #11

I absolutely adore Alice in Wonderland.

Random Fact #10

Minsan lang ako mag-post ng (mahabang) quality post. Kadalasan, puro kalokohan lang. Lahat ng maisip ko, isusulat ko. Maiiksi lang yun. Mailabas lang kasi.

Random Fact #9

Nahihirapan akong tumanggi. Madalas akong napapa-‘oo, sige’ sa mga gawain. Tatanggi lang ako pag alam kong sobrang dami na ng ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit. Nakaka-fulfill pag madami kang napapasayang tao, kaya ayun. Sige lang, go lang ng go.

Random Fact #8

Okay lang sa ‘kin kahit walang kumo-comfort sa ‘kin pag may problema ako. Sanayan na lang siguro yun. Pero kailangan, pag nagka-problema ka, nasaktan ka, may sama ka ng loob, and’yan ako sa tabi mo. Nakaalalay sa ‘yo. Dadamayan ka. Makikinig sa ‘yo. Papasayahin ka. Ayoko ng may nakikitang nasasaktan, kasi pati ako nasasaktan din. Gusto ko lahat ng mga mahal ko masaya. Kahit pa may dinadamdam ako, pag may lumapit sa ‘kin at kailangan ng comfort, kakalimutan ko kung ano man yung dinadala ko para lang sa taong yun. What goes around, comes around. Yung mga best friend ko yung lagi nakakausap ko pag problemado ako, minsan nga feeling ko nasosobrahan na ako ng kwento sa kanila. Pero pag kinakausap ko sila tungkol dun, sasabihin nila na okay lang sa kanila na ako yung makwento. Mahal naman daw nila ako. Kaya ako, I make it a point na gawin din sa iba yung ginagawa nila Jeray at Luis sa ‘kin.

Random Fact #7

Hindi ako marunong magalit ng matagalan. Bababaan ko yung pride ko para sa ‘yo. Gagawin ko lahat ng paraan para magkaayos tayo. Kahit pa ikaw yung mali. Halimbawa, nagkagalit tayo dahil may nagawa kang mali. Nagsorry ka na, hindi kita matitiis kahit gaano pa kabigat na kasalanan yung nagawa mo sa ‘kin at nasaktan ako ng sobra-sobra. Madali akong magpatawad. Hindi ko alam kung bakit, pero pag sinasabihan ako ng “sorry talaga”, lumalambot yung puso ko. Grabehan. Alam kong nagpapaka-martir ako, pero ganun talaga ako e.

Random Fact #6

Naiinis ako sa mga taong magpo-post ng kung ano-anong kadramahan, e nag-away lang naman pala sila ng boyfriend/girlfriend nila. Dinaig pa sa ka-emo-han yung mga naghiwalay na. Jusko, Lord. Please save the Philippines.

Random Fact #5

Ako ata yung may pinaka-weird na set ng profile pictures sa lahat ng friends ko.

http://www.facebook.com/media/set/?set=a.151665971529807.33815.100000592165767&type=3&l=7ef9dff8c2

Random Fact #4

Lamigin ako.

1 2 »