
ADVICE ON HOW TO STAY YOUNG
Okay, so andito kanina yung magagaling kong mga best friend at nagharutan at tawanan lang magdamag. May mga bagong term kaming naimbento, at nakakatuwa lang talaga. HAHAHA.
Umi-Yves: ‘Yun ‘yung panlalandi at pagiging pa-sweet kahit alam mong wala kang pag-asa. Okay, joke. Basta. Kilala niyo naman si Yves ng PBB at alam niyo yung ugali niya, ‘di ba? Pag nakakita kayo ng lalaking gumagawa ng ginagawa ni Yves ngayon, ibig sabihin nu’n, umi-Yves siya. Labo. Haha.
Nagmi-Myrtle: Alam mong pinapaasa mo lang yung lalaki pero alam mo din sa sarili mo na gustong-gusto mo din naman yung attention na binibigay niya sa ‘yo. At nagpa-pasimpleng landi. At nagmamaganda. Kahit hindi. Okay. Kuha niyo?
Sorry. Ma-trip kaming tatlo e. :( Pagbigyan, minsan lang naman e.
— Luis, 4-24-12
Chapter One: Mahal na mahal ko yan e. Halata ba? Hahaha. Kaklase ko ‘yan nung Grade 6. Inis na inis ako sa kan’ya nu’n e. Kahit pinsan pa siya ng best friend ko (na kaklase din namin). Pa’no ba naman, lagi niya na lang akong ineepal, binubuwisit, at inaasar. Tapos minalas pa ‘ko nung isang grading period, tinabi ako ng adviser namin sa kanya. Hinati niya kasi sa tatlong row yung mga upuan. Tapos pinuwesto kami sa pangatlong row, dulo. Pinag-gigitnaan nila ako ni Vincent. E di ‘yun, araw-araw sobrang imbyerna ako, buti na lang talaga mabait si Vincent sa ‘kin. HAHAHA.
Summer ng 2008: Naging close lang kaming tatlo ni Jeray dahil kumo-confe kasi kami sa Y!M. So, yun. Nagkukwento siya sa ‘kin na nafo-fall na siya kay Jeray, may gusto na siya sa kan’ya and blah. At ako naman, tina-try kong ilakad siya kay Jeray. Kaya lang ayaw talaga ni Jer sa kan’ya e. Best friend lang talaga. Tinuring niya na ngang kuya e. (Na-friendzone na si Luis bago pa nauso ‘yung term na ‘yun. Wawa naman.)
Tinatamad akong ikwento ang in between kasi masyadong mahaba. Skip tayo.
Ngayon: Wala. Loko pa rin. Madalas na yung date (lakwatsa) naming tatlo. Mas close na kami kaysa dati. Mas open sa isa’t-isa. Mas kumportable na. Mas madaming kalokohan. Mas magaling na sa katarantaduhan. Mas madrama. Mas matured. Mas mahayag na kami sa pagmamahalan naming tatlo. LOLWHUT. Ewan basta. Mas *insert relevant phrase here*.
Okay. Luis, alam kong hindi mo naman ‘to mababasa (kasi wala kang blog at hindi ko ise-send sa ‘yo ‘yung link na ‘to) kaya ang lakas ng loob kong i-post lahat ng ‘to. Pasalamat ka na lang hindi ko nilagay dito yung mga kalokohan mo. HAHAHA. I love you best friend! Mwatsuptsup. Ikaw pa din guy best friend ko kahit mag-college na tayo. <3